top of page

P100-k botcha na karne ng kambing at manok, nasamsam

  • Mylene Alfonso
  • Jul 27, 2019
  • 1 min read

UMABOT sa P100,000 halaga ng botcha ang nasamsam ng mga tauhan ng Manila Veterinary Inspection Board (VIB), kamakalawa ng umaga sa ilang pamilihan sa Maynila.

Ipinakita ng VIB kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, ang 105 kilograms ng karne ng kambing na nagkakahalagang P84,000 at 167 kilograms ng manok na nagkakahalagang P21,000.

Ayon kay Dr. Nick Santos, ang mga botcha na manok ay nasamsam sa Pampanga Market sa Tondo sa isinagawang inspection alas-6:00 ng umaga.

Habang sa Aranque Market sa Sta. Cruz nakumpiska ang mga botcha na karne ng kambing alas-3:30 ng madaling-araw.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
Kim Domingo - Instagram.jpg
bottom of page