top of page

Namamagang kulani, senyales na may impeksiyon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 27, 2019
  • 1 min read

Dear Doc. Shane,

Worried ako dahil may nakakapa akong bukol sa ilalim ng aking tainga. Masakit ito kapag nahahawa­kan o nababangga. Ang sabi ng kaibigan ko ay baka kulani lang daw ito, pero wala naman akong ubo o sipon at wala ring sira ang aking mga ngipin. May­roon pa bang ibang sanhi ang pag­kakaro­on ng kulani? — Nikkay

Sagot

Ang kulani o lymph node ay grupo ng mga tissue na matatagpuan sa mga lymph vessel ng katawan. Ang trabaho ng mga lymph vessel ay panatilihin ang balanse ng interstitial fluids ng katawan. Tumutulong din ito sa pagbibigay ng proteksiyon laban sa impeksiyon at mikrob­yo sa pamamagitan ng paggawa ng lymphocyte.

Ang lymphocyte ang gumagawa ng mga protinang sumusugpo sa mga mikrobyo at virus na napupunta sa dugo. Ang kulani ay hugis-buto at kadalasan ay kasingliit lang ng munggo o mas maliit pa. Hindi ito mapapan­sin o makakapa sa balat kung ito ay hindi namamaga o sumasakit. Kadala­sang namamaga ang mga kulani kung may impeksiyon sa katawan lalo na kung ito ay sanhi ng virus, mikrobyo o mga para­sitiko.

May mga gamot din na nagdudulot ng pama­maga ng kulani tulad ng mga gamot na panlaban sa seizure at malaria.

Ang lokasyon ng kulani ay nagsisilbing palatandaan kung nasaan ang impeksiyon sa ating katawan kaya kapag mayroong namamagang kulani, nangangahulu­gan lang na may mali o may problema sa katawan.

Tandaan, na ang maagang pagsangguni sa doktor ay kina­kaila­ngan upang madaling maagapan ang anumang malalang karamdaman na maaaring dahilan ng pamamaga ng mga kulani.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page