Mangingisda na tulak, kulong

ISANG mangingisda na sideline umano ang pagtutulak ng iligal na droga ang arestado matapos makumpiskahan ng P200,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Darwin Tubig, 30, ng Ilang-Ilang St., Bgy. Tanza 2.
Ala-1:50 ng madaling-araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Eric Roxas ang buy-bust operation kontra sa suspek malapit sa kanyang bahay matapos ang natanggap na ulat hinggil sa pagbebenta umano nito ng iligal na droga.
Agad dinamba ni Pat. Richard Gatan ang suspek matapos iabot ang sachet ng shabu kay PCpl. MC Edson Macaballug na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P300 marked money.
Narekober sa suspek ang buy-bust money, dalawang sachets ng shabu at knot-tied plastic icebag na naglalaman ng 45 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P200,000 ang halaga.





Comments