Kung ang co-star na si Jo Berry, may bago nang serye… NORA, BINURO NA NG SIYETE
- BULGAR

- Jul 27, 2019
- 1 min read

ANG suwerte nina Jo Berry at Mikee Quintos dahil kasama sila sa cast ng bagong serye na gagawin ni Alden Richards sa GMA-7. Nakatitiyak na sila ng regular exposure sa telebisyon.
Nagkasama sina Mikee at Jo sa seryeng Onanay na pinagbidahan nina Nora Aunor, Rochelle Pangilinan at Kate Valdez. Kaya naman ngayong may bagong show sa Kapuso ay masaya at excited ang dalawa lalo na’t ang kasama nilang bida ay ang Pambansang Bae. Idagdag pa si Betong Sumaya na umaapaw ang talento sa pagpapatawa.
Well, may mga nagtatanong namang Noranians kung ano ang susunod na project nina Nora Aunor at Kate Valdez sa GMA-7 pagkatapos ng Onanay?





Comments