top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kulong at multa sa mamimilit sa gov't employee na maglabas ng maling survey ng lupa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 27, 2019
  • 1 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Nais kong malaman kung mayroon bang parusa kung pilitin at takutin ka ng maimpluwensiyang negosyante na maglabas ng maling klasipikasyon ng lupa o maideklarang ito ay alienable and disposable land? — Fred

Dear Fred,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanu­ngan ay ang Presidential Decree 705 o mas kilala sa tawag na Revised Forestry Code. Nakasaad sa Section 76 nito na:

“Section 76. Coercion and influence. Any person who coerces, influences, abets or persuades the public officer or employee referred to in the preceding sections to commit any of the acts mentioned therein shall suffer imprisonment of not less than one (1) year and pay a fine of five hundred (P500) pesos for every hectare or a function thereof so improperly surveyed, classified or released.” (Binigyang-diin)

Ayon sa nasabing batas, ang sinumang mamilit, mang-impluwensiya, tumulong o manghikayat ng mga opisyal o empleyado ng gobyerno na maglabas ng maling survey o klasipikasyon ng lupa ay maparurusahan ng pagkakakulong na hindi bababa sa isang (1) taon at magbabayad ng multa na P500 bawat ektarya ng lupang mali ang survey o klasipikasyon.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page