top of page
Sharlene San Pedro - IG.jpg

Hirap na hirap daw… mukha ni Maja nag-blood clot sa sobrang galit

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 27, 2019
  • 2 min read

SA one-on-one interview namin with Maja Salvador after the The Killer Bride grand presscon held at Dol­phy Theater last Thursday, ibinahagi ng aktres na minsan daw ay inayawan niya ang isang offer ng Kapamilya, isang teleserye project na follow-up ng kanyang Wildflower.

Pahayag ng aktres, “May gagawin po dapat ako na serye kaso parang ‘yung ku­wento, infidelity na naman.

“So, agawan na naman. Parang natapos na ako roon,” nangingiti nitong sabi.

Taong 2014, nakagawa na raw si Maja ng infidelity-themed series, ang The Legal Wife which she top-billed along with Angel Locsin and Jericho Rosales. In the series, Maja played the mistress. Kaya raw niya ito inayawan dahil iniiwasan niya ang temang “mang-aagaw” ng karelasyon.

Paliwanag ni Maja, “Parang feeling ko, hindi siya ‘yung show na susundan ng Wildflower.

“Parang sa laki ng ginawa ng Wild­flower sa career ko, kailangan ko ng something na matsa-challenge ako.”

Para kay Maja, The Killer Bride ang tamang project kasunod ng matagumpay niyang Wildflower.

Sabi ko sa mga past interviews ko na gusto ko laging tsina-challenge ‘yung sarili ko.

“So, noong in-offer sa akin itong The Killer Bride, parang ang hirap tumanggi, parang alam kong mas malalagpasan niya ‘yung Wildflower dahil sa ganda ng ku­wento at sa mga magagaling kong kasama.

“Kasi bakit po ba naging successful ang Wildflower? Hindi lang po dahil sa akin kung hindi dahil sa mga bigatin ko ring kasama.

“Noong nabuo na itong cast namin, lalong nagka-butterflies sa aking tiyan, ‘yung sobrang na-excite ako na ito na, buo na ‘yung cast namin, alam kong iba rin ang ibibigay nitong The Killer Bride, iba ‘yung maibibigay namin,” sey ni Maja.

Bukod kay Maja, aabangan din sa serye ang panibagong team-up nina Jo­shua Garcia at Janella Salvador.

Sinabi pa ni Maja na ang drama at emosyong kinakailangang pigain sa kanya sa The Killer Bride is even more deman­ding than Wildflower.

“Parang kung ang dami kong sigaw sa Wildflower, kung 8 du’n, kailangan, 20 ‘yung pagka-intense rito.

“Kung napansin ninyo, meron akong post sa Instagram, ‘yung physically, emotionally, mentally tired, kay Camilla ‘yun.

“Kasi for two weeks na nagte-taping po ako, iba kasi ‘yung pinagdaanan ng character, iba ‘yung theme, iba ‘yung galit.

“Hindi lang kita ngayon pero may isang scene na talagang nag-blood clot ‘yung mukha ko sa sobrang pain, sa sobrang galit.”

Kasama rin sa The Killer Bride sina Geoff Eigenmann, Dominic Ochoa, Alexa Ilacad, Lara Quigaman, Ariella Arida, Mico Raval, Keanna Reeves, new actresses Loren Burgos, Viveika Ravanes, Eric Nicolas, James Blanco, Cris Villanueva, with come­backing veteran actors like Eddie Gutierrez, Jobelle Salvador, Aurora Sevilla and directed by Dado Lomibao.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page