top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Final answer ni P-Duterte | ENDO, TULOY!

Mylene Alfonso / Lourdes Abenales
Jul 27, 2019
2 min read

TULUYAN nang ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Security of Tenure Bill, isang araw bago ito maging ganap na batas.

Sa kanyang veto message na ipinadala sa Kongreso, sinabi ng pangulo na maselan niyang binalanse ang interes sa pagitan ng mga employer at empleyado kasabay na rin ng pagdepensa kung bakit hindi nito pinirmahan ang SOT Bill.

“I believe the sweeping expansion of the definition of labor-only contracting destroys the delicate balance and will place capital and management at an impossibly difficult predicament with adverse consequences to the Filipino workers in the long term,” sabi ni P-Duterte.

Ayon sa Punong Ehekutibo, sa kabila na dapat ipagbawal ang labor-only contracting, dapat ding payagan ang mga lehitimong paraan ng job contracting.

Kailangan din aniyang pagbigyan ang mga may-ari ng negosyo na magdesisyon kung ano ang mga trabaho ang kailangang i-outsource. Giit ng pangulo, makakasama rin sa management at sa mga manggagawa kinalaunan sakaling palawakin pa ang mga ipinagbabawal na uri ng job contracting.

Nananatili rin ang Chief Executive na patuloy na poproteksiyunan ang mga manggagawa laban sa mga pang-aabuso sa ilalim ng right to security of tenure.

Kaugnay nito, dismayado si Senador Joel Villanueva sa ginawang pag-veto. Ayon sa senador, principal author ng panukala, lumalabas umano na nangibabaw ang mga makapangyarihan.

Giit pa ni Villanueva, sinikap nilang mabuti ito na magiging patas sa lahat ng partido at siniguro na bawat probisyon ay may kaukulang proteksiyon para sa mga manggagawa laban sa mga iligal na uri ng contractualization. Dagdag pa ng senador, inasahan na umano nilang maraming haharang sa nasabing panukala.

“Sa kabila po ng lahat, patuloy nating isusulong ang panukalang-batas na ito, hanggang sa hindi nawawakasan ang endo,” ani Villanueva.

Sigaw ng mga manggagawa DIGONG, TAKSIL!

Nadismaya naman ang mga labor group sa tila pagsira umano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pangako na matanggal na ang endo.

“Malacañang wants to cripple if not kill it. Between labor’s demand to end endo and the employers’ call to veto it, President Duterte seems bent on surrendering to the capitalist blackmail,” ani Rene Magtubo, national chair ng Partido ng Manggagawa.

Para naman sa grupong Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa, pagtataksil sa mga laborer ang pag-veto sa panukala lalo na’t ilang beses umano itong ipinangako ni Duterte.

“Mr. Duterte’s veto of the bill is just the final confirmation of his insincerity when he promised to end contractualization during his presidential campaign. It is a presidential betrayal,” ayon sa grupo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page