top of page
Pokwang.jpg

BANGIS NG RED LIONS AT PIRATES NAGPAYUKO SA STAGS AT JRU

A. Servinio
Jul 27, 2019
1 min read

NAITALA ng defending champion San Beda University ang ika-apat na sunod na panalo sa pagbabalik ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa FilOil Flying V Centre kahapon kontra San Sebastian College, 73-59. Kinailangan lang ng Red Lions ang isang matinding pagtatapos sa huling quarter sa likod ng tres nina Calvin Oftana at Clint Doliguez at dalawa pang pandiin na tres buhat kay Evan Nelle upang masigurado ang tagumpay.

Hindi nakapuntos ang San Beda sa harap ng mahigpit na depensa ng Stags sa unang 4 na minuto ng huling quarter ngunit, biglang nagising ang Red Lions at ibinagsak ang 12 sunud-sunod na puntos upang lumamang, 60-50, at hindi nakabawi ang Stags mula sa dagok na iyon. Pinasok ni Nelle ang magkasunod na tres, 73-57, bago ipinasok ni Allyn Bulanadi ang bola para sa huling talaan. Parehong gumawa ng tig-14 puntos sina Nelle, Donald Tankoua at James Canlas Kwekuteye at humakot pa ng 10 rebounds ang point guard na si Nelle. Muntik nang maka-triple double si Oftana na may 10 puntos, 10 rebounds at 7 assists.

Sa 2nd game, pinutol ng Lyceum of the Philippines University ang kasiyahan ng Jose Rizal University, 95-77. Nanatiling malapit ang Pirates sa walang talong Red Lions sa kartadang 4-1 habang tapos na ang dalawang magkasunod na panalo ng Heavy Bombers at bumaba sila sa 2-4.

Umalagwa agad ang Lyceum pagkatapos ng unang quarter, 31-19, at lalong lumayo pagdating ng halftime, 51-27, matapos gumawa ng 8 puntos lamang ang Bombers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page