Ako muna Ni: Aling Toyang


Nahihirapan ang puso,
sinasakal ng mga responsibilidad.
Kailan ba ito mawawala?
Iligtas sana ng tadhana.
Umiikot ang mundo at kasabay
nito, ako ay nalilito.
Aalis o mananatili sa bagay
na hindi na nakawiwili?
Maraming ikokonsidera,
buhay nina ina at ama.
Mga kapatid na nag-aaral,
paano ko pa sila matutulungan?
Bigyan sana ako ng gabay nang
malaman ko kung ano ang gagawin.
Isaalang-alang ang nakararami,
umalis at hanapin ang sarili.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments