Pwd students, may 20% discount at exempted sa vat sa mga dorm

Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung mayroon bang 20% discount at VAT exemption ang mga PWD student sa kanilang bayad sa dorm ng kanilang unibersidad o kolehiyo? — Max
Dear Max,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 6.1 Rule IV ng Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 10754 o mas kilala bilang “An Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability” kung saan nakasaad na:
“Section 6.1 Lodging Establishments – xxx
The concerned academic institutions shall also ensure that dormitories under their jurisdiction grant the 20% discount and VAT-exemption to students with disabilities.” [Binigyang-diin]
Sang-ayon sa nabanggit na alituntunin, ang mga unibersidad, kolehiyo at paaralan, pribado man o pampubliko ay kinakailangang magbigay ng 20% discount at VAT exemption sa bayad sa dormitoryo ng mga PWD student.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments