PAANDAR NI MAYWEATHER KAY PACMAN, “TRABAHADOR LANG KITA!”


MUKHANG hindi natatapos ang palitan ng patutsadahan sa social media nina Manny “Pacman” Pac-quiao at Floyd Mayweather, Jr. at araw-araw ay may isyung lumalabas sa pagitan ng dalawa.
Nagsimula na namang magpalitan ng asaran ang Pinoy at ang mamang itim mula kahapon dahil nag-hamon na si Pacman ng kanilang rematch sa laban nila noong Mayo 2015 na showdown matapos niyang tig¬pasin si Keith Thurman noong Linggo.
Napikon naman si Mayweather sa pangungulit ng kampo ni Pacman kaya sumagot ito sa Instagram, “I make more money than you, I beat you, then I signed you,” aniya.
“I was only at your fight supervising you, my employee, as any real boss would do. Let’s stick to the facts! Bob Arum is no longer your promoter, so when it comes to @mayweather¬promotions & PBC events I’m the HNIC! Bottom line. You made $10Million for 12 rounds, when I just made $9M in under 3 minutes playing around in an exhibition with a pizza delivery guy! I beat you mentally, physically and financially! Remember, you fight cause you have to, I fight when I want to!,” dagdag pa ng mayabang na mamang itim.
Hindi naman ito pi¬nalampas ni Pacman at si¬nagot din niya ang maha¬nging paandar ng kanyang karibal sa Instagram.
“Excuse me Floyd, your name has not been on any of my PBC contracts,” aniya. “But if you would like to be on the next one, I will have one drawn up and sent to you.” At kanya namang nilagyan ng hashtag ang post na #Coun¬terfeitMoney.
Kaya abangan na lang natin, mga ka-boksing kung hahantong na ang mga pa¬tutsadahang ito nina Pacman at Mayweather sa isang rematch kahit na paulit-ulit pang sinasabi ng American star na wala na siyang kainte-interes na magbalik sa boxing ring. (MC)





Comments