Most wanted criminal nasakote
Pabs Hernandez III
Jul 26, 2019
1 min read
PAMPANGA—Isang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Sasmuan.
Ang suspek ay kinilalang si Kevin Lazara, nakatira sa nabanggit na bayan.
Nabatid na inaresto ng pulisya si Lazara sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong frustrated murder sa nasabing lalawigan.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.





Comments