Dudang may lalaki, 3-anyos na anak hinostage | misis binaril, pinugutan ni mister
- V. Reyes
- Jul 26, 2019
- 1 min read

SELOS umano ang dahilan kaya nauwi sa karumal-dumal na krimen ang pag-aaway ng mag-live-in partner sa Quezon City, kahapon.
Batay sa paunang impormasyon mula sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), kinilala ang biktimang si Maricel Alejo.
Kalaboso naman ang suspek na kinakasama nitong si Alejandro Baltazar, 34, walang trabaho at aminadong gumagamit ng iligal na droga.
Ala-1:45 ng hapon nang matagpuang patay ang ginang na pugot sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Batasan Hills ng nasabing lungsod.
Bago ang sinasabing pagpatay, narinig umano ng mga kapitbahay na nag-aaway ang mag-asawa hanggang sa umalingawngaw ang putok ng baril.
Hindi pa umano nakuntento ang mister ay kumuha ito ng itak at tinagpas ang ulo ng biktima.
Agad na rumesponde ang mga barangay official ngunit, inabutan nila ang pangho-hostage ng suspek sa kanyang 3-anyos na anak na babae na tinutukan nito ng baril.
Hanggang sa mapasuko rin ang suspek at nang pasukin ang bahay ay doon na tumambad ang pugot na misis.
Sa panayam sa suspek, may mga bumubulong umano sa kanya na may lalaki ang kinakasama.
Itinanggi naman ng mga kaanak ng biktima ang isyung third party.





Comments