Death penalty, anti-mahirap, pro-big- time drug lords

KAPAG IPINASARA ANG LAND BANK, KASAMANG MAPA-PADLOCK ANG PERA NG MGA DEPOSITOR — Nagbanta si P-Duterte na ipasasara niya ang Land Bank of the Philippines kapag hindi ito nakapagbigay nang maayos na serbisyo sa mga magsasaka.
Naku, kawawa naman ang mga depositor sa Land Bank kasi tiyak kasama ang pera nilang mapa-padlock kapag itinuloy ang pagpapasara, saklap!
◘◘◘
AYUSIN MUNA ANG JUSTICE SYSTEM BAGO ISULONG ANG DEATH PENALTY — Pursigido ang mga kongresista at senador na sundin ang utos ni P-Duterte na ibalik na ang death penalty sa bansa.
Hay naku, sana, bago ito isabatas ulit ay ayusin muna ng mga mambabatas ang justice system sa bansa. Baka kasi mahihirap at walang koneksiyon lang sa gobyerno ang sunud-sunod na ipabitay dahil kung pagbabasehan ang mga nangyayari ngayon, ang mga maralitang adik at tulak lang ang napapatay sa drug war, pero ang mga sangkot sa puslitan ng tone-toneladang shabu ay may mga puwesto ngayon sa gobyerno, buwisit!
◘◘◘
MGA KUBRADOR NG LOTTENG, MGA TULAK DIN DAW NG SHABU SA TONDO — Nagtutulak din daw ng shabu ang mga kubrador ng lotteng nina “Jun Moriones” at mag-asawang “Ramon” at “Medy” sa Tondo, Manila.
Tingnan natin kung kayang ipatokhang ni Mayor Isko Moreno ang mga iligalistang ito, abangan!





Comments