Dagdag-tax sa yosi at vape, pirmado na — DUTERTE

PIRMADO na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11346 o ang pagpapataw ng mas mataas na excise tax para sa mga tobacco product.
Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea na layuning protektahan ang kalusugan ng mga Filipino at makakolekta ng dagdag na revenue para sa implementasyon ng Universal Health Care Act.
Batay sa batas, P45 na ang kada kaha ng sigarilyo pagsapit ng January 1, 2020; P50 sa 2021; P55 sa 2022 at P60 per pack simula sa January 1, 2023. Aabot naman sa P10 ang buwis sa kada 10 milliliters ng vaping liquids. Nabatid na bahagi ng tax reform package 2 ng administrasyon ang pagtataas ng excise tax sa mga produktong sigarilyo.
Pinuri at pinasalamatan naman ni Sen. Sonny Angara, dating chairman ng Ways and Means Committee ang pagpirma ng pangulo sa naturang batas.





Comments