top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Dagdag-kalsada ang sagot sa trapik!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 26, 2019
2 min read

GUSTO ng mga mambabatas na mapagtibay agad ang panukalang-batas para sa “certify proof” for parking.

Malamang, magkamal ng tongpats ang signatories.

Oportunidad ng korupsiyon ‘yan!

◘◘◘

ANG solusyon kontra sa matinding trapik.

Magdagdag ng mga kalye!

◘◘◘

ANG lahat ng existing main at secondary road ay lagyan ng kakambal na “elevated road”.

Tapos ang problema!

◘◘◘

ISA ring solusyon ay iangat nang isa o dalawang metro ang elevation ng mga existing road.

Kapag na-elevate ang main or secondary road, tiyak hindi puwedeng mag-park o bumuwelo o magmaniobra dahil higit itong mataas kaysa sa orihinal na lote!

◘◘◘

Ang elevated road ay pangontra sa baha.

Kailangang iangat nang isang metro ang bawat kalye para kahit may baha, tuloy ang biyahe!

◘◘◘

ANG Bulacan Airport na itatayo ay nagbunsod ng pamamakyaw ng mga nakatenggang palaisdaan mula sa baybaying-bayan ng Bulacan.

Pinapakyaw na ang mga lupain ng mga bigtime corporation.

Ang mga lupain ay wala na sa kamay ng mga ordinaryong nagpapalaisdaan, bagkus ay nasa mga conglomerate at housing developer na!

◘◘◘

TATAMBAKAN ang mga lupaing ito sa baybayin ng Bulacan bago matayuan ng gusali.

Pero, ang mismong MacArthur Highway at kahanay na residential area ay maiiwan sa orihinal na elevation kaya ito ay magiging “lambak”.

Ang lambak ay katumbas ng “valley” tulad sa Cagayan Valley na napapagitnaan ng mga matataas na elevation ng kabundukan ng Sierra Madre at Caraballo Mountain!

◘◘◘

ANG tubig-ulan ay mahuhulog at maiimbak sa kapatagan ng Valenzuela City, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Plaridel, Malolos, Pulilan, Baliuag at Calumpit.

Dapat magkaroon ng elevated highway kakambal ng MH del Pilar road, MacArthur Highway at NLEX ‘yan ang solusyon kontra baha at solusyon din sa trapiko!

◘◘◘

ANG proposal ng San Miguel Corporation na catch basin ng tubig kakambal ng Bulacan Airport ay kalokohan.

Sa ngayon, hindi nadaraanan ang MacArthur Highway sa simpleng bugso ng ulan.

Kapag tumodo ang lakas ng ulan, hindi rin nadaraanan ang MH. del Pilar old Highway at ilang bahagi ng NLEX.

‘Yan ay isang sitwasyon habang unti-unting nagtatambak sa mga baybaying-bayan ng Bulacan sa kasalukuyan!

◘◘◘

ANG mga makasaysayang lugar, bahay, gusali at monumento sa lalawigan ng Bulacan ay malulubog sa tubig at tatabunan ito upang makaiwas sa baha.

Walang solusyon dito.

Pero, ang pag-iwas sa baha at matinding trapiko ay masosolusyunan ng elevated road!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page