top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

China nasa ‘posisyon’, ‘di ‘possession’

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 26, 2019
  • 1 min read

MAS palalakasin ng U.S. Coast Guard ang kanilang presensiya sa Western Pacific para magsilbing balakid sa malawakang pang-aangkin ng China sa rehiyon. Bagama’t, hindi pa rin matatapatan ang bilang ng mga coast guard at barko ng China sa karagatan, ipagpapatuloy pa rin ang pagpatrol sa ilalim ng International Law, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Nanawagan ang U.S. Coast Guard sa lahat na makiisa sa pagtutol sa agresibong pang-aangkin ng China hindi lamang sa mga teritoryo sa kara­gatan kundi ang buong karagatan mismo.

Hindi makatarungan ang kanilang pang-aangkin at pangingisda kung saan-saan.

Kaugnay nito, tumututol din ang Vietnam at Malaysia sa mga kilos ng China, pero tila hindi bumilib ang Palasyo dahil inilalagay lang daw ng dalawang bansa ang kanilang mamamayan sa panganib. Heto na na­man tayo sa usaping “digmaan”, kung ang kasalukuyang adminis­trasyon ay kinatatakutan ‘yan, pero hindi ang Vietnam at Malaysia.

Samantala, hindi pa rin tapos ang isyu ng pangingisda ng China sa WPS, partikular sa ating Exclusive Econo­mic Zone (EEZ). Sa ikaapat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipina­li­wanag at nangatwiran ang pangulo sa ‘kasunduan’ sa pagitan nila ni Chinese President Xi Jinping hinggil sa pangingisda ng dalawang bansa.

Nakasaad sa Konstitusyon na ang mga yamang-dagat sa ating EEZ ay para lang sa kapakinabangan ng mga Pilipino, pero ayon sa Palasyo, walang magagawa ang Pilipinas dahil kontrolado ng China ang karagatan.

Mabilis naman nagpaliwanag sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at National Security Chief Hermoge­nes Esperon, Jr. na nasa “posisyon” lang daw ang China at hindi “possession”.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page