Bitay sa mandarambong | hindi ako apektado — Bong

HINDI umano natatakot si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr., sa panukalang ibalik ang death penalty kahit ang pamamaraang gagawin ay sa pamamagitan ng bitay.
“Hindi ako apektado sa panukalang ito dahil acquitted ako. Napatunayang ginipit lang ako,” ani Revilla.
Ito ang sinabi ng senador sa paghahain ng apat niyang kasamahan ng panukalang death penalty para sa mga high level drug trafficking heinous crime at maging sa plunder.
Naninindigan si Revilla na wala siyang kasalanan matapos siyang ipawalansala ng Sandiganbayan sa kasong plunder kaugnay sa Priority Development Assistance Fund scam case.
Kasama ni Revilla sina dating Senators Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada na inakusahang tumanggap ng kickback mula sa pork barrel scam kung saan mastermind si Janet Lim Napoles kapalit ng pagbibigay ng pondo sa mga bogus non-government organization.
Giit ng senador, susuportahan umano niya ang pagpataw ng capital punishment para sa pandarambong at drug trafficking.





Comments