Bebot na nahihirapang magpatawad

Dear Roma,
Ako si Shara, may taong nagkasala sa akin at sobrang hirap niyang patawarin. Minsan, nasasabi kong okay na ako, napatawad ko na siya, pero bakit ganu‘n, sa tuwing nakikita ko ulit siya o nababalitaan kong masaya ang buhay niya, bumabalik ‘yung galit ko? Kasalanan ba ‘yun? — Shara
Shara,
Alam mo, iha, normal lang na magalit. Mapapatawad mo ang tao, pero kahit kailan, hindi mo makakalimutan ang sakit na naidulot nila, ngunit, kailangan nating matutunang magpatawad dahil pawang mga tao tayo na pare-parehong nakagagawa ng kamalian at kasalanan sa ating kapwa. Sabi nga, patawarin ang kapwa ng pitumpu’t pitong beses dahil naiintindihan ng Diyos na hindi madali ang magpatawad nang lubusan. Palagi mong tatandaan na kung saan o kung kailan sobrang hirap magpatawad, doon ka dapat magpatawad dahil ‘yun ang utos ng Diyos. ‘Yun lang! God bless you!





Comments