top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Uncle Sam', suportado kahit wa' 'K' basta mapatalsik lang si P-Digong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 25, 2019
  • 2 min read

NAGPAPATUTSADAHAN na sina Sen. Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.

Senyales na itong tuloy ang rematch!

◘◘◘

WALANG sumusulpot na bigating presidentiable.

Pwes, si Mayor Sara ang llamado!

◘◘◘

OBVIOUS na kalaban niya si VP Leni.

Wala kasing may malaking pangalan sa oposisyon kundi si VP Leni.

Si Mar Roxas ay laos na!

◘◘◘

ISANG sorpresang presidentiable ay si Sen. Cynthia Villar.

Ito ay dahil mayroon siyang bilyones!

◘◘◘

ISANG naghihintay ng udyok ng taumbayan ay walang iba kundi si Sen. Pacquiao.

Si Sen. Pacquiao ay hindi nalalayo kay Da King!

◘◘◘

KUNG tutuusin, higit na popular at may badyet si Sen. Pacquiao kaysa kina Da King at Erap.

Sina Erap, Da King at ‘Pacman’ ay nakadikit sa masa!

◘◘◘

MALABO nang makaporma si Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson dahil marami siyang lihim na kaaway.

Maging si Senate Pres. Vicente Tito Sotto III ay mahihirapang makaporma dahil tiyak na mabibiktima siya ng sangkatutak na black propaganda!

◘◘◘

SA aktuwal, hindi maaaring alisin ang tinatawag na U.S. at China “component” sa 2022 Presidential Elections.

Sino ang ididikta ng U.S. at sino ang susuportahan ng China?

◘◘◘

SA nakaraang halalan, natalo ang mga espiya ng U.S. na sumuporta kay Roxas.

Nagtagumpay ang mga “ahente” ng Tsino nang magwagi si P-Digong!

◘◘◘

HINDI maaaring pag-usapan ang 2022 Presidential Elections nang hindi madadawit ang U.S. at China.

Ganyan din sa US elections, nanghihimasok ang Russia at China!

◘◘◘

SA huling eleksiyon, matunog na suportado ng Tsino si P-Digong, pero walang ebidensiyang magpapatunay dito.

Napagbibintangan ang China at luma­lakas ang espekulasyon dahil na rin sa desisyon, aksiyon at emosyon ni P-Digong pabor sa Beijing!

◘◘◘

MALAKING problema ng U.S. ay kung paano mapatatalsik si P-Digong kaysa kung sino ang papalit sa kanya.

Ibig sabihin, walang pakialam ang U.S., kesehodang palitan ang pangulo ng unggoy kaysa manatiling kalaban ang Malacañang ng interes ng U.S.!

◘◘◘

ISANG malaking tanong: Sino sa mga aspirante ang susuportahan ng U.S.?

Ang sagot: Ito ay kung sino ang pinaka-llamado at magiging no.1 sa opinion survey!

◘◘◘

HINDI pinag-uusapan bilang presidentiable kung sino ang pinakakuwalipikado dahil hindi ‘yan ang batayan ng mga botante.

Ang batayan ng Pinoy ay kung sino ang pinaka-popular at pinakamalapit sa kanilang emosyon.

At dahil d’yan, malaki ang tsansa na maging pangulo ng Pilipinas ang anak ni Aling Dionesia!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page