top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Taggutom pa rin sa gobyerno ni P-Digong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 25, 2019
  • 1 min read

NAKALULUNGKOT ang balitang tumaas daw ang bilang ng mga pamilyang nagugutom, ayon sa survey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas noong mismong araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mahigit 2.5 milyong pamilya sa buong bansa ang nagsabing nakaranas sila na walang makain sa nakalipas na tatlong buwan.

Ang nakikita nating dahilan dito ay posibleng marami pa rin sa ating mga kababayan ang walang trabaho o maaaring may trabaho ngunit, hindi sapat ang kita. Posible ring dahil mataas ang presyo ng mga bilihin kahit sabihin ng mga ekonomistang sapat lang ang inflation.

Keber ng mahihirap nating kababayan sa salitang “inflation”, ang isyu ay nakaranas sila ng pagkagutom.

Kaya hihirit tayo ngayon kay Manong Digong na kung maaari ay buhayin niyang muli ang mga Kadiwa store na pinasimulan ng aking ama noong panahon ng kanyang administrasyon na ang layunin ay masolusyunan ang mataas na presyo ng mga bilihin at maka-avail ang ating mga mahihirap na kababayan. Huwag sanang bigyang-isyu ‘yan ng mga kritiko dahil naungkat na naman ang isang bagay na may kaugnayan sa tatay ko.

Naniniwala tayong kapag binuhay ang mga Kadiwa store sa mga komunidad, malaki ang maitutulong nito kahit mura ang bigas at sinasabing sapat ang inflation dahil marami pa ring bilihin tulad ng karne, asukal at iba pa ang mataas ang presyo.

Sana lang ay pakinggan ito ni Manong Digong para wala na tayong marinig na dumarami ang bilang ng mga nagugutom sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page