REAL GOLD, MANANAKBO NG TAON; MORALES, ASTIG!
- Ding Taboy
- Jul 25, 2019
- 1 min read

NO. 1 na mananakbo ng taon ang kabayong si Real Gold! Nagkampeon ng dalawang beses ang Real Gold, karera sa 1st at 3rd Leg Triple at kumita ng P3.6-M. Sumegunda ang Boss Emong na naging mahigpit na katunggali at 2nd Leg Triple Crown.
Tumersera ang kabayong Jayz, sumunod ang My Jopay ni MB Villaseñor, Pangalusian Island ni W.T Tan, Señor Lucas, Toy For The Bigboy, My Sheltex, Certain To Win at Princess Eowyn na pag-aari ni Edong Diokno.
Samantala, itinanghal ng No.1 na horse owner si Atty. Narciso O. Morales sa 10 nangungunang may-ari ng mga kabayo sa pagpasok ng quarter ng 2019. Pumangalawang horse owner ng taon si Sandy Javier ng Leyte habang pumangatlo si Businessman JAC Dichaves.
Kasama sa 10 top horse owners sina M.C.Habla, N.M Magno, B.U. Tecson, EVM Diokno, MB, Villaseñor, MPL Trading at Benjur Abalos, Jr. Sa Agosto 4 matutunghayan ang Lakambini Stakes Race sa Santa Ana Park, Naic, Cavite. Ang karera ay may nakahandang P1.5-M na papremyo sa unang apat na makatatawid sa finish line.
Pagkakalooban ng P.9-M ang tatanghaling kampeon, tatanggap ng P337,500 ang 2nd placer habang pagkakalooban ng P187,500 ang 3rd Placer at mag-uuwi ng P75,000 ang 4th placer.
Bukas sa lahat ng 3-year-old fillies ang Lakambini Stakes Race. Magaganap sa Agosto 25 ang PCSO Silver Cup Race na may naghihintay na P2.5-M para sa kampeon.
Tatanggap ang 2nd placer ng P.7-M habang P350,000 ang 3rd placer at P250,000 para sa 4th placer. Bukas sa lahat ng 3-Year-Old na runner ng PCSO Maiden Race ang karera.





Comments