top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Nutribun for life sa mga public schools sa Maynila

Isko Moreno
Jul 25, 2019
1 min read

KASALUKUYANG ikinakasa sa konseho ng Maynila ang pagsasabatas ng Programang Nutribun kung saan ninanais nitong magkaroon ng sapat na pagkain at sustansiya ang mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

Pinakamahalaga sa atin na wala nang bata ang papasok na gutom. Alam nating maiksi ang attention span ng batang gutom dahil hindi leksiyon ng guro ang naririnig niya, bagkus, kalam ng sikmura ang iniintindi.

Ang Nutribun Program ay ipinatupad noong Dekada ‘70’s bilang supplementary feeding program sa mga pampublikong paaralan. Gawa ito sa mga lokal na panaderya at ipinagkakaloob sa mga public high schools at feeding center sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Iminungkahi natin ito noong panahon ng nakaraang administras­yon at ngayon ay gagawin na nating batas upang maging perma­nente sinuman ang nakaupong alkalde.

Isa ito sa pantawid-gutom natin noong tayo ay nag-aaral pa at nais din nating mapakinabangan ito ng mga kababayan natin sa Maynila.

Samantala, kasalukuyang ginagawa ang plano para sa rehabilitasyon at modernisasyon ng ‘Ospital ng Maynila’. Magiging peg natin ang ‘Ospital ng Makati’ at sa awa ng Diyos, sana ay masimulan na ito sa lalong madaling panahon.

Hindi ito magiging madali lalo na sa kasalukuyang estado ng pananalapi ng lungsod kaya hinikayat natin ang gobyerno, mga negosyante at kaibi­gan na tulungan tayong maisakatupa­ran ang mga pangarap na ito.

Naniniwala tayong ang mahusay at epektibong health care system para sa mamamayan ng lungsod ay malaking tulong upang iangat ang kalidad ng antas ng pamumuhay. Magtulungan tayo!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page