top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Nagliyab, sumabog | DRIVER NG FX, NATUSTA

Levi Gonzales
Jul 25, 2019
1 min read

NAGLIYAB muna bago sumabog ang Tamaraw FX matapos itong bumangga sa rehas sa Bgy. San Sebastian, Mataasnakahoy, Batangas.

Alas-8:10 ng gabi, bi­nabagtas ng biktimang si Harold Nocum, ng Bgy. Ri­zal, Lipa City ang naturang kalsada nang mawalan ito ng kontrol.

Dahil sa tulin, bumu­lu­sok ito hanggang sa su­mal­pok sa mga nakaharang na rehas na bakal. Sumabog ang sasakyan at agad nagliyab dahilan din ng pagkasunog ng biktima.

Agad na nirespondehan ng mga awtoridad ang insi­dente kung saan halos hindi na rin makilala ang driver sa tindi ng tinamong sunog sa katawan.

Samantala, posible uma­nong nakatulog ang driver bago naganap ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page