top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lalaking ulila kaya gusto ng sumuko sa buhay

  • ROMA AMOR
  • Jul 25, 2019
  • 1 min read

Dear Roma,

Ako si Jerikson, 19 years old. Napakarami kong problemang kinaka­harap. Mula nang ma­matay ang mga magulang ko sa magkasunod na ta­on, pakiramdam ko, pa­san ko na ang buong mun­do. Gusto ko nang sumu­ko sa buhay, pero sinusu­bukan kong patatagin ang loob ko sa tulong ng ilang malalapit kong kaibigan. Hihingi ako ng payo sa inyo kung paano gagana­hang mabu­hay. — Jerikson

Jerikson,

Sadyang masakit ang pagkawala ng mga magu­lang, lalo na sa edad na hindi ka pa lubusang stable sa buhay. Alam mo, ‘tol, hindi solusyon ang pagsuko sa anu­mang problema. Hindi tayo binigyan ng anumang pagsubok na hindi natin ma­kakayanan, kaya panigura­dong matata­pos din ang mga ‘yan. Kung susuko ka, sa tingin mo ba matutuwa ang mga magu­lang mo? Napakaraming isi­nakripis­yo ng magulang mo para sa iyo at panigu­ra­dong uma­asa silang magpa­pakatatag ka at tutuparin mo ang mga pangarap nila para sa iyo. Kapit lang, ‘tol! Tiwala lang, malalagpasan mo rin ang lahat ng ‘yan!

God bless you!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page