IPE, naging DDS lang, bida noon, kontrabida ngayon

NAGING DDS LANG SI IPE, NAGING KONTRABIDA NA SA PANINGIN NG PUBLIKO —Hanggang ngayon ay pinuputakte ng batikos si Phillip “Ipe” Salvador sa statement nitong dapat mamatay na raw ang mga kritiko ni P-Duterte.
Hay naku, dati bida ang tingin ng publiko kay Ipe, pero mula nang maging DDS siya, naging kontrabida na siya, period!
◘◘◘
MALILIGAYANG ARAW NG MGA GIMIKERO, TATAPUSIN NA NI P-DUTERTE— Sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabihan niya ang mga mambabatas na gumawa ng batas na hanggang 12:00 ng hatinggabi na lang ang bentahan ng alak.
Naku, kapag nangyari ang gusto ni P-Duterte, tapos na ang maliligayang araw ng mga gimikero, boom!
◘◘◘
MARAMING MAGIGING JOBLESS AT LILIIT ANG KITA SA TOMA CURFEW — Sakaling maging batas, pagsapit ng alas-12:00 ng hatinggabi ay bawal na ang inuman, malamang, sapul d’yan ang mga establisimyento tulad ng mga night club, bar, tindahan, beerhouse at iba pa.
Siyempre, kapag ang negosyo ay nalulugi, no choice ang mga negosyante kundi isara ang kanilang mga negosyo na magreresulta sa mataas na bilang ng jobless, saklap!
◘◘◘
REWARD SA PUMATAY SA 4 PULIS P1 MILYON LANG, PERO PUMATAY SA PULITIKO, P30 MILYON ANG IBIBIGAY NI P-DUTERTE—Naglaan si P-Duterte ng P1 million reward sa mga makahuhuli sa mga rebeldeng NPA na pumatay sa apat na pulis sa Negros Oriental.
Ganu’n? P1 milyon lang, eh, apat na pulis ang pinatay ng mga NPA, samantalang, nang patayin noon si Ako Bicol Partylist Congressman Rodel Batocabe, P30 milyon ang idinagdag ni P-Duterte na reward sa mga makahuhuli sa mga salarin.
D’yan makikita na tila mas mahalaga kay P-Duterte ang buhay ng mga kapwa niya pulitiko kaysa sa buhay ng mga alagad ng batas, period!





Comments