Helper, wanted | NEGOSYANTE BINARIL SA ULO, DEDBOL

PATAY ang isang negosyante matapos barilin sa ulo sa Bgy. Baybayin, Rosario, Batangas.
Sa inisyal na imbestigasyon, kinilala ang biktimang si Lourdes Maala, 60, negosyante.
Pasado alas-9:00 ng umaga nang madiskubre ang labi nito sa kanyang silid na may tama ng bala sa ulo.
Tinukoy naman ang suspek na posibleng helper nitong si Crisanto Coz alyas Santo, ng Bgy. Pork Johnson, Camarines Sur.
Ang biktima umano ay may negosyong babuyan at nag-iisa lamang sa buhay dahil 15 taon nang hiwalay ito sa asawa.
Nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya upang madakip ang pangunahing suspek sa pagpatay sa biktima.





Comments