top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

BOLILYONG PANG-GINTO SA SEAG, BABANATAN NG BOWLERS

Gerard Arce
Jul 25, 2019
1 min read

SAGAD sa ensayo ang Philippine bowling team na nag-aasam na wakasan ang ilang taong pangungulila sa gintong medalya ng bansa sa darating na 30th edisyon ng Southeast Asian Games (SEAG) na gaganapin simula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Labing-apat na taon na ang nakalipas nang mamayagpag ang koponan sa SEA Games nang hakutin nila ang apat na gold medals at anim na silver medals upang tanghaling overall champion dito sa Manila noong 2005.

Malaki ang paniniwala ng buong koponan ng Philippine Bowling Federation (PBF) na ibubuhos nito ang lahat ng posibilidad upang muling makopo ang inaasam na gintong medalya. “The target is of course, manalo ng medal,” wika ni bowler Merwin Tan na kasalukuyang Asian Youth champion matapos mapagwagian noong Abril sa Malaysia.

Magagamit umanong pampalakas ng loob ng dalawang national members ang kanilang naging magandang performance sa nagdaang 45th Hong Kong International Open, kung saan matagumpay silang nagsukbit ng medalya. Nagkampeon si Posadas-Wong sa Hong Kong Leg ng Asian Bowling Federation Tour at tumapos bilang second-runner up sa ladies division ng Hong Kong Open.

Samantala, naibulsa ni Tan ang titulo sa Youth Masters Division gayundin ang isang runner-up finish sa parehong Men’s Open at Youth doubles kasama ang partner na si Patrick Nuqui.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page