QUIZON AT SAN DIEGO, BUMIDA SA PASPASANG AHEDRES
- Eddie M. Paez, Jr.
- Jul 24, 2019
- 1 min read

BUMANDERA sina Dasmariñas National High School ace International Master (IM) Daniel Quizon at De La Salle gem Woman International Master (WIM) Marie Antoinette San Diego sa kani-kanyang grupo sa 2019 Interschool Rapid Chess Championships sa Manila Prince Hotel sa Ermita, Maynila.
Halos perpektong anim na panalo at isang tabla ang naging armas ni Quizon paakyat sa trono ng grupong sinalihan ng 82 mga disipulo ng paspasang ahedres. Winalis ng 14-anyos na prodigy na sina Lanz Vincent Vencer (LPU), Joshua Marquez (LPU), Jewello John Vegafria (Holy Angel University), Tristan Jared Cervero (Ateneo), Darry Bernardo (FEU) at Neil Siongco (Holy Angel University) bago nakipagbatian ng puntos kay Israelito Rilloraza (FEU).
Sa tulong ng limang panalo at dalawang draws ay nasikwat ng 18-anyos na si Rilloraza ang runner-up honors, habang si College of Saint Benilde gem Vince Angelo Medina ay tumuntong sa anim na panalo para makuha ang huling upuan sa podium.
Sa kabilang dako, umangat si San Diego, pambato ng De La Salle at may natipong anim na puntos sa College Girls Rapid kontra kina WIM Kylen Joy Mordido (Dasmariñas Integrated; 5.5 puntos) at WIM Bernadette Galas (De La Salle; 5.5 puntos).
Kasama rin sa mga nakihati sa centerstage sina Eric Labog Jr. (UPHSD; High School Open) matapos makakolekta ng 6.5 puntos; Jerlyn Mae San Diego (First Uniting; High School Girls) na may rekord na 6.0 puntos; Antonella Berthe Racasa (Victory Christian International School; Elementary Open) na nagsumite ng halos walang mantsang 6.5 puntos; at Daren Dela Cruz (VPVMS Dasmariñas City; Elementary Girls) na kinakitaan ng anim na puntos.





Comments