top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Proud na proud pa sa tawag… PHILLIP, ROBIN AT BAYANI, THREE MUSKETEERS NI P-DIGONG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 24, 2019
  • 2 min read

AGAW-PANSIN ang pagdating nina Phillip Salvador, Bayani Agbayani at Robin Padilla sa ginanap na State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa kahapon. Sabay-sabay silang dumating at pare-pareho rin ang suot nilang Barong Tagalog.

Kilalang Duterte supporters ang tatlong aktor kaya hindi na kataka-taka kung du­mating man sila ru’n. Simula pa lang ng kampanya ni P-Duterte noon, kasa-kasama na sila, lalo na sina Robin at Kuya Ipe.

Sa pag-apir nila sa SONA, tinawag sina Robin, Phillip and Bayani bilang “three musketeers” ni Pre­si­dente Duterte at mukha namang ini-enjoy nila ‘yun, huh?

Nahingan din ng pa­hayag si Phillip tungkol sa serbisyong ginagawa ni P-Du­terte para sa bayan.

Ani Kuya Ipe, gina­gawa naman ng pangulo ang lahat para sa ikabu­buti ng bansa at ng bawat Pili­pino.

“Pero binabati­kos pa rin siya. Sa inyo pong lahat na mga bu­­­­­ma­batikos, mamatay ka­yong lahat!” mariing pahayag ni Phil­lip.

Bukod sa mga naturang aktor, namataan din sa SONA ni P-Digong sina Dina Bonnevie na ang mister ay si 1st District Ilo­cos Sur Cong­ress­man Deo­gracias Savellano, former Manila Mayor Joseph Estrada at iba pang identified din sa Duterte government.

Maraming netizens naman ang huma­nga sa pag-post ng aktor na si Raymond Bagat­sing na gumanap bilang si Manuel Quezon sa critically-acclaimed movie na Quezon’s Game ng kan­yang larawan bago ang SONA ni P-Digong.

May hawak na placard si Raymond kung saan may naka­sulat na: “Stop ha­ras­sing Pinoy fisherfolks! CHINA LAYAS! — PAMALAKAYA”

Pinag-usapan din ng mga netizens ang suot na gown ng mga mambabatas natin sa SONA. We heard some of the senators like Pia Cayetano and Nancy Binay, ang kilalang si Michael Leyva raw ang gumawa ng kani­lang gown.

Habang si Sen. Grace Poe naman ay simpleng white Filipini­ana-inspired outfit ang suot.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page