PACMAN, NAKAUWI NA, BACK-TO-WORK SA SENADO


SARIWA pa ang mga kaunting gasgas sa mukha makaraan ang panalo kay Keith Thurman, sakay si Sen. Manny Pacquiao ng isang private jet pabalik sa Manila, kahapon ng madaling araw. Mandirigma noong Linggo at pagbalik kahapon ay isa uling pulitiko. Wala pang 24 oras matapos tilarin si Thurman sa welterweight championship ay nais na sana nitong makauwi agad ng ‘Pinas upang makadalo ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Lunes ng hapon.
Pero, hindi muna siya pinayagan kaagad at kailangan munang makapagpahinga ng isang araw, pero dahil nakaabang na ang Pilipinas sa heroe’s welcome maging ang Senado ay minadali na rin niyang umuwi kahapon upang pumasok na sa kanyang trabaho bilang Senador. Body shots ang ginamit ni Pacman at right hooks para pahinain si Thurman at kunin ang ika-62 niyang panalo sa may 71-fight career. Ipinakita sa fight statistics na may kabuuang 686 ang binitiwang solidong upak ni Pacman kaysa sa 571 ni Thurman.
Iniulat din na may guaranteed na $10-M prize money si Pacman sa Thurman fight at madaragdagan pa ito ng higit sa $10-M mula sa kita ng pay-per-view at iba pang mga revenues sa Las Vegas. (MC)





Comments