top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

P-Digong, suko na sa mga korup, big one ang alam na solusyon

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 24, 2019
2 min read

TAPOS na ang ikaapat na SONA.

Wala ang Cha-Cha sa Pederalismo.

◘◘◘

PINALILINIS kay DILG Secretary Eduardo Año ang mga kalye.

Dedma lang ang mga mayor!

◘◘◘

INATASAN din ang mga mayor na pabilisin ang release ng business permit.

Nagtataingang-kawali rin!

◘◘◘

AMINADO ang pinakamatataas na lider ng bansa na isang dakot silang korup.

At least, hindi plastik!

◘◘◘

KAKAUNTI ang nakauunawa ng human behavior.

Alam ba ninyong ang bawat nilalang ay ipinanganak na korup?

◘◘◘

IPINAGLILIHI pa lang ang bawat nilalang ay kinokorup na agad ng kanilang mga magulang ang sarili nilang buhay.

Hindi mareresolba ang korupsiyon.

Hindi krimen ang korupsiyon, bagkus, ito ay sakit ng “tao” at kanser ng lipunan!

◘◘◘

ANG korupsiyon ay kakambal ng pagiging tao.

Tama si P-Digong, kung nais ninyong mawala ang korupsiyon sa Pilipinas, dapat biglang lumindol at gumuho ang plenary session noong Lunes.

Hindi ‘yan biro, bagkus, 'yan ang mapait na katotohanan!

◘◘◘

NAG-UUGAT ito sa tinatawag na “akrasya”.

Ang akrasya ay tendensiya ng bawat tao na gawin o kumilos nang pa-negatibo imbes na positibo!

◘◘◘

Ibig sabihin, ang bawat nilalang ay may “suicidal instinct” kabilang ang pinakamaliliit na selyula ng katawan ng tao.

‘Yan ang tunay na dahilan kaya ang “tao ay namamatay”, ang mismong pisikal na selyula ay “suicidal”!

◘◘◘

ANG korupsiyon ay maituturing na behavior ng mga “suicidal”.

Maging ang paggawa ng krimen tulad sa illegal drugs ay bunga ng “suicidal tendency”.

Hindi ito nalalayo sa pulitikong korup, suicidal ito kasi kapag nagkaroon ng ebidensiya, kulong at kahihiyan ang kanilang aabutin!

◘◘◘

MALINAW kung gayun na ang paggawa ng mali ay tendensiya ng tao.

‘Yan ang dahilan kaya inimbento ang relihiyong kasabay ng pag-imbento sa Diyos.

Kapag walang relihiyon o walang kinatatakutang Diyos, hindi iiwas ang tao sa paggawa ng mali o sa doktrina, paggawa ng masama o “kasalanan” o sin!

◘◘◘

ANG katagang kasalanan ay doktrina na dapat iwasan, pero bibihira ang nakaiiwas dito.

‘Yan mismo ang binanggit ni P-Digong: “Tayong lahat ng opisyal ng gobyerno ay korup, mabiktima sana tayo ngayon ng Big One sa plenary hall”!

◘◘◘

‘YAN ang konteksto ng SONA ni P-Digong, pero kakaunti ang nakaunawa.

Bigo ang media na mag-isip sa higit na matayog na antas ng pilosopiya at esensiya ng mensahe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page