top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga nambabatikos kay P-Digong, mamatay na raw lahat | Ipe, todo-papansin na, wa’ pa ring puwesto!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 24, 2019
  • 2 min read

PAGPAPAPANSIN KAY P-DU­TERTE, ITINODO NA NI PHILLIP SALVADOR — Itinodo na ni Phillip “Ipe” Salvador ang pagpapapansin kay P-Duterte nang sabihin nitong da­pat na raw mamatay ang mga kriti­ko o nambabatikos sa pangulo.

Itinodo na niya ang pagpapapansin kasi ang tagal na niyang nagsisipsip kay P-Digong, pero hanggang ngayon, wala pa siyang puwesto sa gobyerno, ha-ha-ha!

◘◘◘

CONG. CAYETANO, HINDI TYPE NINA “PULONG” AT SARA NA MAGING HOUSE SPEAKER —Muntik nang maunsiyami ang am­bisyon ni Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano na maging House Speaker dahil hindi pala siya ang type ng mag-utol na sina Davao City 1st Dist. Rep. Paolo “Pulong” Duterte at Mayor Sara Duterte-Carpio na maging boss ng Kongreso kundi si Davao City 3rd Dist. Rep. Isidro Ungab.

Pasalamat siya, nagbanta si P-Du­terte na iisnabin daw ang sarili niyang SONA kung hindi si Rep. Cayetano ang magiging Speaker.

Kasi kung walang naganap na pag­babanta , malamang, ang “manok” ng mag-utol na sina “Pulong” at Sara ang naging boss ng Kongreso at hindi siya, period!

◘◘◘

SABLAY ANG PAGPAPASEKSI NI SEN. HONTIVEROS SA SONA —Sablay ang ‘pagpapaseksi’ ni Sen. Risa Hontiveros sa kasuotan niyang pi­naikling Filipiniana dress na kita ang kanyang legs sa picture-taking sa Se­nado at SONA ni P-Duterte.

Mantakin n’yo, siya ang author ng “Anti-Bastos Bill” na isinabatas ni P-Duterte, tapos ngayon ay naba­bastos siya ng mga netizen sa social media dahil lang nagsuot siya ng da­mit na kita ang kanyang legs, boom!

◘◘◘

RAKET NINA “ELMO” AT “ROMY” SA TUGUEGARAO, ‘UN­TOUCHABLE’? — Patuloy daw na namamayagpag ang raket na “Dice 68” nina “Elmo” at “Romy” sa Bgy. Don Domingo at Bgy. Centro sa Tu­guegarao City, Cagayan.

Kung ganu’n, “untouchable” pala ang raket ng mga iligalistang ito sa jurisdiction nina PNP-Region 2 Di­rector Brig. Gen. Jose Mario Espino, Cagayan PNP Director at Col. Igna­cio Cumigad, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page