Mga ID na dapat ipakita ng PWD para maka-discount ng 20%

Dear Chief Acosta,
Anu-ano ang mga dapat ipakita ng mga persons with disability (PWD) upang ma-avail nila ang 20% discount kapag kakain sila sa restoran o manonood ng sine? — Nancy
Dear Nancy,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 11, Rule IV ng Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 10754 o mas kilala bilang “An Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability” kung saan nakasaad na:
“Section 11. Proof of Entitlement – The benefits and privileges indicated in the Act are available to persons with disability who are Filipino citizens, upon submission of any of the following as proof of his/her entitlement thereto:
11.1. An identification card issued by the Persons with Disability Affairs Office (PDAO) or the City / Municipal Social Welfare and Development Office (C/MSWDO) of the place where the person with disability resides.
11.2 The passport of the concerned person with apparent disability.
11.3 An identification card issued by the National Council on Disability Affairs. This is on a case-to-case basis for emergency purposes only, provided that the PWD ID number coding shall be retained in accordance with the official residence of the person with disability.” [Binigyang-diin.]
Sang-ayon sa nabanggit na alituntunin, ang mga maaaring ipakita ng persons with disability (PWD) upang magamit ang kanilang 20% discount ay ang kanilang PWD I.D. na inisyu ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) o ng City o Municipal Social Welfare and Development Office kung saan nakatira ang nasabing PWD.
Bukod pa rito, maaari rin ipakita ng PWD ang kanyang passport kung ang kanyang kapansanan ay malinaw na nakikita. Sa emergency cases naman ay maaaring ipakita ang I.D. na inisyu ng National Council on Disability Affairs.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments