Mahihilig magyosi, tagilid sa aneurysm

Dear Doc Shane,
Aneurysm ang ikinamatay ng aking ina sa kanyang edad na 51. Nakapagtataka dahil wala naman kaming nakitang kakaiba sa kanya o anumang sintomas na mayroon siya nito. May posibilidad ba na mamana namin ito? Nababahala kasi kami ngunit, wala kaming pera para magpa-check-up. Sana matalakay ninyo ito. — Lolita
Sagot
Ang aneurysm ay ang pagnipis at paglobo ng isang parte ng anumang ugat o blood vessel sa ating katawan. Ang peligro rito, kapag masyadong numipis ang bahagi ng ugat at biglang tumaas ang presyon ng dugo sa parteng ito ay maaaring pumutok at dumugo sa kapaligiran nito.
Kung ang aneurysm ay nasa ugat ng utak, magkakaroon ng brain hemorrhage o stroke. Ang kalalabasan ay batay sa tindi ng pagdurugo. Maaaring paralysis at masaklap ay ikamatay ito ng pasyente.
Ang aneurysm ay maaaring nasa lahi ngunit maaari ring magkaroon nito mula sa atherosclerosis o paninigas ng ugat.
Risk factor:
Family history — kapag may history ng brain aneurysm, doble ang tsansang magkaroon nito.
Previous aneurysm — kung mayroong aneurysm ang pasyente, maaaring hindi lamang isa ito.
Gender — doble ang risk ng aneurysm at hemorrhage sa kababaihan kaysa sa kalalakihan.
Hypertension o alta-presyon — dahil dito, mas lamang ang pagputok ng aneurysm at hemorrhage.
Bisyo — mas lamang ang pagkakaroon nito sa mga naninigarilyo.
Kadalasan, walang sintomas ang aneurysm at matutuklasan lamang ito kapag may sinusuring ibang sakit sa katawan. Minsan, dahil sa laki ng aneurysm ay naiipit ang ilang bahagi ng utak na nagiging sanhi ng sintomas. Halimbawa, sakit ng ulo, pagdidilim ng paningin, pagkabulol at pananakit ng leeg, batay sa kung nasaan ang lumalaking aneurysm.
Narito ang mga sintomas ng pumutok na aneurysm sa utak:
bigla at matinding sakit ng ulo o leeg
pagkawala ng malay-tao
seizures o kombulsiyon
Kung mangyari ito, mahalagang pumunta o dalhin agad sa doktor o sa pinakamalapit na ospital ang pasyente.
Nada-diagnose ang aneurysm sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng brain scans tulad ng mga ss:
CTA o computed tomography angiogram
MRA o magnetic resonance angiogram
X-ray angiogram





Comments