top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Iba't ibang negosyo, tablado sa curfew ni P-Digong

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 24, 2019
  • 2 min read

MALAMANG, maraming negos­yante ang nangamba sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat sarado na ang mga esta­blisimyento tuwing hatinggabi para matigil na ang pag-inom at pagbenta ng alak.

Isa ito sa pahayag sa kanyang ikaapat na SONA noong Lunes. Ganito raw kasi sa Davao City, maayos naman daw ang resulta nito at tanggap din ng mga tao.

Sa totoo lang, hindi ito madaling ipatupad. Siguradong maraming nakaalala noong panahon ng Martial Law kung saan ipinatupad ang curfew.

Kung iisipin, ang ginawang ‘pata­karan’ ng pangulo noong siya ang alkalde sa Davao City ay maikukum­para sa ginawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, partikular ang Martial Law, bagama’t, mas maluwag na ipinatupad ang curfew.

Marahil, alam nating idolo ng pangulo si ex-P-Mar­cos, kung susunod ang mga mambabatas sa nais ng kanilang pinuno, wala nang magagawa ang mga negosyante.

◘◘◘

Kinontra agad ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang mga pahayag ni Pangulong Duterte sa ikaapat na SONA kung saan kaya raw pinayagan ang China na mangisda sa loob ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ) ay dahil sa kasunduan.

Inamin ng pangulo na nakiusap siya kay Chinese President Xi Jinping na payagang makapangisda ang ating mga kababayan sa Panatag Shoal kapalit ang pangingisda ng China sa loob ng ating EEZ.

Ayon kay Justice Carpio, hindi pag-aari ng China ang Panatag Shoal kaya hindi dapat pinayagang makapangisda ang mga Chinese sa loob ng ating EEZ.

Kung nakiusap ang pangulo kay Chinese Pres. Jinping, tila lumalabas na nagpapaalam lang tayo sa may-ari. Palagi nilang sinasabing mauuwi lang ito sa digmaan at mauubos lang ang mga sundalo kung ipipilit ang ating karapatan sa China, pero hindi digmaan ang habol natin kundi respeto sa karapatan ng sarili nating karagatan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page