top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

High-tech na tayo, para iwas-korup | Pagkuha ng clearance, permit etc., dapat instant na

Ryan B. Sison
Jul 24, 2019
1 min read

HANGGANG ngayon, problema pa rin ng mamamayan ang kumplika­­­dong transaksiyon sa mga ahensiya ng gob­­yerno kung saan marami ang nagre­reklamo na madalas ay inaabot na sila nang siyam-siyam, pero may mga do­kumento pa rin silang hindi nakukuha tulad halimbawa ng clearance at per­mit.

Kaya sa naganap na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, isa ito sa mga tina­la­kay niya kung saan sinabi niyang dapat maging simple lang ang proseso sa pagkuha ng mga dokumento dahil ang papel ng mga ahensiya ay para mapa­gaan at makatulong sa publiko at hindi ‘yung sila pa ang nagpapahirap.

Lalo na ngayong moderno na ang panahon at pa-high-tech nang pa-high-tech ang mga gadget na dapat nating mapakinabangan hangga’t puwede pa.

Gayunman, matatandaang, ginawa ng batas ng pangulo ang “ease of doing business” sa bansa para mapuksa ang red tape at mapabilis ang transaksiyon sa mga ahensiya ng gobyerno, pero tila hindi ito sapat para tumigil ang pama­halaan para ayusin ito.

Kaya para sa ikagagaan at ikaa­ayos ng lahat, itigil ang korupsiyon.

Ayusin ang serbisyong ibinibigay sa publiko!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page