‘Di lang ang pagpupuyat... LAGING PAGTE-TAKE-OUT NG PAGKAIN, MADALING MAKAMATAY
- Jersey Sanchez
- Jul 24, 2019
- 2 min read

KUMUSTA na ang kalusugan ninyo, mga beshy? Kaya pa ba? For sure, marami sa inyo ang hindi pa rin nakapagsisimula ng kanilang planong mag-healthy living kaya ngayong National Nutrition Month, narito ang ilang healthy eating at healthy habits tips para sa inyo:
1. GULAY. Bagama’t, palagi nating ipinaaalala sa mga bata na kumain ng gulay, hindi ito sapat dahil dapat tayong magsilbing role model. Ayon sa mga eksperto, samahan ng gulay ang bawat meal. Puwedeng ginisa, sinabawan, stir-fried, steamed o fresh. Magandang makasanayan ito dahil ‘ika nga nila, kapag may gulay, mas makulay ang buhay.
2. PASS SA TAKEOUT. Kapag desidido ka nang mag-healthy living, dapat mong baguhin ang mga nakasanayan mo pagdating sa pagkain. Kung mahilig kang mag-takeout sa fastfood at mag-instant food, it’s time to make a switch, beshy! Bagama’t, convenient ito para sa atin, mas mabuting maghanda ng home-cooked meals mula sa almusal, packed lunch at dinner. Oks lang kung hindi ka pa confident sa luto mo dahil sa panahon ngayon, madali mo itong matututunan dahil sa mga simple recipe at tutorial na makikita mo sa internet. Gayundin, kung ikaw ang maghahanda ng kakainin mo, tipid na, healthy pa!
3. MAGSIMULA NANG MAGKAKASAMA. Mahirap talagang magsimulang mag-healthy eating kung ang mga kasabay mo sa hapag ay nag-uulam ng matataba at mamantikang pagkain. Kung hindi ka madaling matukso, oks lang pero, kung oo, besh, baka it’s time para magsolo ka muna. Hindi naman ito nakasisira ng friendship, pero, kung kaya mo silang impluwensiyahan, why not, ‘di ba? Gayundin, puwede mo itong simulan sa inyong pamilya at baka ang ‘getting fit together’ ang maging goal ninyo.
4. GALAW-GALAW, ARAW-ARAW. ‘Ika nga nila, madaling sabihin pero, mahirap gawin. Kung patuloy tayong maniniwala rito, paano tayo gaganahang mag-ehersisyo? Hindi natin kailangan ng gym subscription o mamahaling gear at equipment para makapag-exercise. Ang pinakamadaling puwedeng gawin ay maglaan nang 15 minuto para makapag-ehersisyo bawat araw. Imbes na mag-stalk kay crush sa socmed, mag-exercise ka na lang para siguradong may maganda itong resulta. Okie?
5. MAGKAROON NG SAPAT NA TULOG. Sabi nila, sleep is for the weak. Pero, hindi sineseryoso ng karamihan na ang tulog ay may malaking factor sa ating kalusugan. Ito ay dahil kapag kumpleto ang tulog natin, nagiging produktibo at malikhain tayo sa trabaho, gayundin, maganda ang ating mood. Kaya, mga beshie, siguraduhin ninyong makakukuha kayo ng sapat na tulog upang makapag-function nang tama kinabukasan.
6. GAMITIN ANG MGA PAA. Kung hindi ka pa handang maglaan nang 15 minuto para mag-exercise, gawin mo ito. Kung isa hanggang dalawang kanto lang ang layo, lakarin mo na lang, besh, huwag ka nang mag-tricycle o jeep dahil bukod sa sayang ang pamasahe, sayang din ang kaunting ehersisyo. Ang paglalakad araw-araw ay maaaring maging ehersisyo pero, make sure na may dala kang payong para ready ka kung sakaling umulan.
Mga besh, alam nating hindi madaling mag-adjust sa anumang bagay. Pero, kung sisimulan natin ito sa maliliit na hakbang at kung magiging disiplinado tayo siguradong magiging matagumpay ito. Nutrition month man o hindi, dapat manatili tayong healthy para sa ating ikabubuti. Copy?




Comments