Pangulo, mga sen. at cong. korup daw, dasal ni Digong sa SONA | BIG ONE, NOW NA!
- Mylene Alfonso
- Jul 23, 2019
- 1 min read

NAGBIRO kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte na ang pinakamagandang oras para sa pagdating ng “Big One” ay ang oras ng kanyang talumpati sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) upang magkaroon ng bagong umaga ang bansa.
“So, I pray that if the earthquake comes, it comes now, this moment. Kumpleto na tayo, may madamay pa tayo doon sa harap,” biro ng pangulo.
Kaugnay nito, muling hiniling ni Duterte sa Kongreso ang pagtatag ng Department of Disaster Resilience.
Sa kanyang pagbibiro, una na rin umanong kumonsulta siya sa isang psychic kung saan ang gusali ng Batasang Pambansa ang unang tatamaan kapag dumating ang Big One sa Metro Manila.
“I just heard that from a psychic that the first crack when the Big One hits will be right here in the center of this (building). ‘Yan man ang sabi nila. (The) Philippines is so corrupt, it’s so lousy that if you kill all congressmen, senators and the president, we will have a new day,” wika ng pangulo.





Comments