top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mata ni Pacman, napasukan ng petroleum jelly, ng show sa SONA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 23, 2019
  • 1 min read

NAGTAGAL ang pagdating ni P-Di­gong sa SONA.

Bakit kaya?

◘◘◘

MULING nahalal na Senate President si SP Vicente “Tito” Sotto III.

Gayundin, si Sen. Ralph Recto ang Senate pro-tempore!

◘◘◘

IBINITIN naman ni Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang nominasyon kay Speaker Alan Peter Cayetano.

Ninerbiyos si Lani Cayetano, akala ay nasilat pa!

◘◘◘

NABIGO si Sen. Manny ‘Pacman’ Pacquiao na makahabol sa SONA.

Ayon kay Senate Majority Lea­der Migz Zubiri, hindi pinayagan ng mga doktor si Sen. Pacquiao na bu­miyahe dahil namamaga ang mata!

◘◘◘

AYON sa ulat, sinabing napasukan ng petroleum jelly ang mata ni Sen. Pacquiao.

Sa itinagal-tagal niya sa bok­sing, ngayon lang napasukan ng petroleum jelly ang kanyang mata!

◘◘◘

IPAGDASAL natin ang kalusugan ni Sen. Pacquiao na isinasa­kripisyo ang sarili para sa karangalan ng Pili­pinas.

Siyempre, lumala­ban siya sa ngalan ng biyones na premyo!

◘◘◘

DAHIL sa bilyones na premyo kada laban, itinakda ang isa pang laban next year.

Panibagong bilyones ‘yan!

◘◘◘

DAHIL may bilyun-bilyong piso si Sen. Pacquiao, wala nang pinaka­llamado sa pagka-VP sa 2022 kundi ang anak ni Nanay Dionesia.

Ang mga makakalaban ni Sen. Pacquiao sa pagka-VP ay tiyak manlilimos lang ng campaign fund sa bigtime businessmen.

Pero si Sen. Pacquiao, uubu­sin nito sa kampanya ang premyo mula sa boxing!

◘◘◘

MALINAW ngayon na hindi aatras si Sen. Pacquiao sa pag­kandidato bilang vice-president sa 2022.

Kasi maaaring sumobra pa ang kanyang “campaign fund” at tulad sa boxing, manalo man o matalo ay magkakamal siya ng bilyones.

Kay buwenas ni Ate Jinkee!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page