Kahit awatin, ayaw papigil… KRIS, KAYANG TABLAHIN ANG MGA UTOL PARA KAY DEREK
- BULGAR

- Jul 23, 2019
- 1 min read

NAGMAMALASAKIT ang mga kapatid ni Kris Aquino kaya dini-discourage ng mga ito na tanggapin at ituloy ng aktres ang pelikulang K(Ampon) na isasali ng Quantum Films sa darating na MMFF 2019.
Malaking project ito na mahirap tanggihan. Besides, si Derek Ramsay ang kanyang leading man kaya marami ang nagsasabing susuwayin ni Kristeta ang kanyang mga kapatid at ang doctor’s order na huwag muna siyang magtrabaho, magpuyat, umiwas sa pagod at stress para na rin sa ikabubuti ng kanyang kalusugan.
Pero ‘yung mga nakakakilala sa ugali ni Kris, nagkakaisa sa pagsasabing ang aktres din naman ang nasusunod kapag may ginusto siyang gawin. Tiyak, kahit na ano pa ang mangyari, gagawin at gagawin niya ang K(Ampon).
Naalala pa ng ilang friends ni Kris na minsan, umulan nang malakas at may kasama pang kulog at kidlat kaya pinagbawalan na siya ng kanyang mga kapatid na huwag maligo sa pool nila na open at walang bubong dahil baka tamaan ng kidlat. Kasama niyang naliligo noon sina Josh at Bimby, pero hindi rin naawat si Kristeta dahil kung ano ang gusto niya ay siyang nasusunod.





Comments