Dapat pala, magpakabait ka, besh... KAHULUGAN NG PANAGINIP ‘PAG NAKITA SI MAMA MARY
- BULGAR

- Jul 23, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Felie ng Felie_Lla@facebook.com
Dear Professor, Napanaginipan ko si Mama Mary, hindi ko alam kung birhen sa Fatima o birhen sa Lourdes, basta birhen Siya na naka-photo frame at nasa mataas na lugar. Umakyat ako sa medyo maputik, pag-akyat ko ay nakahawak ako sa lupa at nandu’n ang imahen ng birhen, tapos, may maliit na balon. Nagulat ako nu’ng nakita ko ‘yun dahil hindi ko ito in-expect. Gulung-gulo na ang isip ko dahil palakad-lakad lang ako nang walang direksiyon. Sana, masagot ninyo ito.
Maraming salamat!
Naghihintay, Felie
Sa iyo Felie, Ang sinabi mong gu-lung-gulo ang isip mo dahil sa napanaginipan mo ay totoong nangyayari sa buhay mo ngayon.
Sa kaguluhang iyong nararanasan, kung anu-ano ang naiisip mong gawin. Ibig sabihin, hindi magagandang mga bagay ang naglalabas-masok sa iyong isipan.
Ganito ang sinabi ni Lord Jesus Christ, “kapag nag-iisip ka ng masama, ikaw ay nagkasala na!”
Kaya ang nagnasa ng masama ay nagkasala na rin at ang nag-isip ng hindi maganda at hindi mabuti ay nagkasala na rin.
Minsan, mahirap maunawaan ang mga banal na katuruan, pero siyempre dahil si Lord mismo ang nagsabi, wala tayong magagawa kundi ang tanggapin o paniwalaan ito.
Ito ang lihim na dahilan kung bakit napanaginipan mo si Mama Mary. Ang mensahe ay sikapin mong maging malinis at mabuti. Huwag kang gagawa ng hindi tama.
Kaya kapag naglabas-masok sa isipan mo ang kung anu-anong mga bagay, alalahanin mong mahal na mahal ka ng nasa itaas at anuman ang iyong nararanasan ngayon, magkakaroon ka pa rin ng mga biyaya sa tulong ni Mama Mary.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo




Comments