top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Besh, mahilig ka ba sa horror movies? PAGIGING LAGING TAKOT, MASAMA SA KIDNEY

  • Donna Thea Topacio
  • Jul 23, 2019
  • 2 min read

ARAW-araw, hindi natin alam kung kailan magbabago ang ating emosyon dahil nakabase ito sa mga nararanasan natin o kaya ay sa mga taong nakasasala­muha natin. Pero, knows ba ninyo na ang mga emosyong ito ay may masasamang naidudulot sa organs na mayroon tayo sa ating katawan?

Alamin natin kung paano naka­aapekto ang emosyon sa ating kalusugan:

1. GALIT. Hindi lang alak ang nakasasa­ma sa liver kundi ma­ging ang pakiramdam ng pagiging galit, ito ay dahil nakaa­apek­to ito sa circulation ng dugo kung saan maaari rin tayong magkaroon ng head­ache, neck pains at vertigo.

2. LUNGKOT. Kung inaakala natin na pa­ninigarilyo lang ang nakasasama sa lungs, nag­kakamali tayo dahil ang pagiging ma­lung­kot ay maaari ring maging sanhi para humina ang ating mga baga sa kadahilanang mas hu­mihina ang function ng ating pag­hinga dahil sa lungkot na ating nadarama.

3. PAG-AALALA. Sa mga suki ng stomach pain diyan, baka hindi na impatso o acid reflux ang inyong nararamdaman dahil ayon sa mga eksperto, ang pag-aalala ay nakasasama sa tiyan na nagreresulta para ito ay mag-alburoto. Tsk!

4. STRESS. Halos lahat tayo ay nai-stress sa iba’t ibang kadahilanan at ito ay hindi maganda para sa ating kalusugan dahil nakapagpapahina ito ng puso at utak. Kaya kung ayaw nating ma-heart attack, make sure na iiwasan natin ang madalas na pag­ka-stress.

5. TAKOT. Ang pa­giging takot ay nakasa­sama sa kidney, kaya para sa mga beshy natin diyan na mahilig ma­nood ng horror mo­­vie, pero scared na­man, alam n’yo na, ha?

Ngayong alam na natin ang mga ito, make sure na hindi tayo basta-basta mag­papadala sa stress na ating nararamdaman nang sa gayun ay hindi nito maapektuhan ang ating mood.

Kung gusto nating maging healthy, magkaroon tayo ng pakialam sa feelings ng nakararami.

Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page