Apat na taong kulong sa magsu-survey sa mga gubat nang walang permit
- BULGAR

- Jul 23, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
May dalawang tao na nagsagawa ng survey sa mga forest land sa aming munisipyo. Napag-alaman naming wala silang permit para gawin ito. May kaparusahan ba sa batas ang kanilang ginawa? — Ethan
Dear Ethan,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Presidential Decree (P.D.) No. 705 o mas kilala sa tawag na “Revised Forestry Code”. Nakasaad sa Section 73 nito na:
“Section 73. Survey by unauthorized person. Imprisonment for not less than two (2) nor more than four (4) years, addition to the confiscation of the implements used in the violation of this section including the cancellation of the license, if any, shall be imposed upon any person who shall, without permit to survey from the Director, enter any forest lands, whether covered by a license agreement, lease, license, or permit, or not, and conduct or undertake a survey for whatever purpose.” (Binigyang-diin)
Ayon sa nasabing batas, maparurusahan ng pagkakakulong na hindi bababa sa dalawang taon hanggang apat na taon ang sinumang magsasagawa ng survey sa mga forest land, base sa anumang layunin nang walang kaukulang pahintulot o permit. Makukumpiska rin ang mga kasangkapang ginamit upang sa paglabag ng batas na ito, kasama na ang pagkansela ng lisensiya ng mga tao at/o mga organisasyong kabilang sa gawaing ito.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments