Thurman kay Pacman: rematch!

MGA PULITIKONG ‘HONORABLE’, MALAMANG, MAGPALAKPAKAN NA NAMAN KAPAG NAGMURA SI P-DUTERTE SA SONA—Ngayong araw ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni P-Duterte at kada SONA ng pangulo, hindi nawawala ang pagmumura niya sa kanyang mga kritiko.
Kaya ang tanong: Magpalakpakan na naman kaya with standing ovation pa ang mga ‘honorable’ na pulitiko kapag may minura na naman si P-Duterte sa kanyang SONA? Abangan!
◘◘◘
REP. CAYETANO, HINDI INVITED SA PA-BREAKFAST MEETING NI "PULONG"?—May pa-breakfast meeting daw si Presidential Son Davao City 1st Dist. Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa mahigit 200 kongresista bago ang SONA ng kanyang ama at bago ang botohan sa Speakership. Ang masaklap, hindi raw imbitado ang pambato ni P-Duterte sa pagka-Speaker na si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano.
Naku, baka ang pa-breakfast meeting ni “Pulong” ay hudyat sa sinabi niya noon na kahit hindi pa nauupong Speaker si Rep. Cayetano ay ikukudeta o “patatalsikin” na nnila agad ito sa pinapangarap na puwesto sa Kongreso, boom!
◘◘◘
PA-BREAKFAST MEETING NI “PULONG” SA KONGRESO, GOOD O BAD NEWS KAY CONG. CAYETANO?—Kung ang tema ng pa-breakfast meeting ni “Pulong” sa mga kongresista ay para suportahan si Rep. Cayetano ay good ‘yan para sa kanya.
Ang masaklap, kung ang tema ng pabreakfast meeting ni “Pulong” ay biglang kumandidato ito sa pagka-Speaker o iendorso nito sinuman kina Davao City 3rd Dist. Rep. Isidro Ungab, Marinduque Rep. Lord Allan Velasco o Leyte Rep. Martin Romualdez, bad ‘yan para kay Rep. Cayetano kasi ‘yan na ang katapusan ng ambisyon niyang maging bossing ng Kongreso, saklap!
◘◘◘
THURMAN, GUSTONG MAGPABUGBOG ULIT KAY “PACMAN”— Hindi matanggap ng 30-anyos na si Keith Thurman ang pagkatalo niya sa split decision kay Sen. Manny “Pacman” Pacquiao na 40-anyos kaya ang hirit ng Kano kay “Pacman” ay rematch.
Pambihira, bugbog-sarado na ang inabot niya kay “Pacman”, gusto pang magpabugbog ulit, he-he-he!





Comments