SJ KNIGHTS EXILE KAMPEON SA CBA
- BULGAR

- Jul 22, 2019
- 1 min read

HINDI na nagpatumpik-tumpik pa ang San Juan Knights–Exile nang magkampeon sa first-ever Community Basketball Association (CBA)-Pilipinas National Championship.
Ibinagsak ng Knights ang Bicol champion Naga Waterborne, 80-77 sa winner-take-all encounter at kinuha ang titulo sa harap ng dinumog na laban sa San Juan Gym noong Lunes.
Bumida sa laro sina Judel Fuentes, Jhonard Clarito, Mike Ayonayon at Art Patrick Aquino para ibigay ang korona sa Randy Alcantara-mentored Knights Exile, na nagpasabog ng 16-point lead. Nakopo rin ng Joey Valencia-owned team ang P1-million cash prize sa torneo. Tumapos si Fuentes ng game-high 23 points, 6 triples, 3 rebounds at 4 assists sa 28 minuto ng aksiyon.
Nagdagdag si Clarito, ang bayani sa tagumpay ng San Juan noong MPBL Datu Cup, ng 17 points at 9 rebounds, habang si Ayonayon ay may 16 points, 5 rebounds at 5 assists. “We’re very happy to win the CBA title. The boys worked very hard for it,” ayon kay Alcantara, na inasistehan ni San Juan team governor Chris Conwi at coach Yong Garcia.
Si Aquino ay may 10 puntos at 9 rebounds para sa San Juan, na nakaharap ang Naga para sa National Championship nang talunin ang General Trias Braves. Nagtapos si Norman Torreno ng 20 points, habang si Jio Lopez ay may 13 markers at six boards, pero nasayang sa Waterborne. May kontribusyon si Shareef Kim Saladdin na 10 points, 4 assists at 3 rebounds. (MC)





Comments