Rollback sa gas

MAGPAPATUPAD ng bawas-presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa.
Sa abiso ng Pilipinas Shell, epektibo alas-6:00 ng umaga, bukas, magbabawas ito ng 40 sentimos sa kada litro ng kerosene, 25 sentimos sa gasolina at 20 sentimos sa diesel.
Sinundan naman ng SeaOil na magpapatupad din ng kaparehong bawas-presyo sa petrolyo.
Ganundin ang Petro Gazz na may kahalintulad na bawas-presyo sa gasolina at diesel.
Inaasahan namang magsusunuran ang iba pang kumpanya.
Ang bagong bawas-presyo ay kaugnay sa pagbababa ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.





Comments