Regular na sahod at benepisyo sa Barangay Health Workers
- BULGAR

- Jul 22, 2019
- 1 min read

MAGKASUNOD na inihain sa Senado ang panukalang dagdag-suweldo sa Barangay Health Workers (BHWs) at ang pagbibigay-proteksiyon at suporta sa nursing profession sa bansa.
Ayon kay Senator Bong Go, sa Senate Bill No. 392, na kikilalanin bilang Barangay Health Workers Act of 2019, mabibigyan na ng suweldo ang mga health worker sa barangay katumbas ng P11,068 kada buwan at mga benepisyo at kasiguruhan na hindi sila basta masisibak sa trabaho.
Isa pang panukala ang pag-angat sa edukasyon at propesyon ng mga nurse sa bansa.
Ang Senate Bill 395, na kikilalanin bilang Advance Nursing Education Act of 2019, ay mag-aamiyenda sa Philippine Nursing Act of 2002.
Sa naturang panukala, bibigyan ng proteksiyon at iaangat pa ang nursing profession sa pamamagitan ng makabuluhang edukasyon hinggil sa naturang propesyon, maayos at makataong working conditions at mas magandang career opportunities sa sariling bayan. (BRT)





Comments