PUMUWERSA SA DO-OR-DIE GAME ANG ACES VS. TNT SA Q’FINALS


NAKAPUWERSA ng do-or-die game ang Alaska Aces matapos nilang pagulungin ang pinapaborang TNT KaTropa, 108-72 sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum. Tumipa si import Diamon Simpson ng 15 points at 19 rebounds para sa Alaska. May tangan na twice to beat advantage ang KaTropa kaya may tsansa pa silang sumampa sa susunod na stage.
Maagang nagpakitang-gilas ang Aces, hinawakan nila ang nine-point lead, 27-18 sa first quarter. Hanggang second quarter ay humarurot ang Alaska kaya nanatili sa kanila ang bentahe, 53-41 sa halftime. Lalong ginanahan ang Aces sa third, lumobo ang kanilang lamang sa 25 puntos, 87-60 papasok sa fourth period. Samantala, parehong nasa kukote ng Magnolia Hotshots at Blackwater Elite ang makabawi sa kanilang mga katunggali sa Game 2 ng kanilang best-of-three finals upang makahirit sila ng deciding game.
Makakalaban ng Hotshots ang crowd favorite Barangay Ginebra Gin Kings sa alas-4:30 ng hapon sa Big Dome, habang toka ng Elite ang Rain or Shine Elasto Painters sa alas-7 ng gabi. Nalugmok ang Magnolia noong Sabado, 79-85 matapos silang pahirapan ni Gin Kings import Justine Brownlee na nagtala ng 20 points at 16 rebounds. Yumuko naman ang Blackwater sa Game 1 sa Elasto Painters, 80-83 nang isalpak ni Rey Nambatac ang panelyong tres, may dalawang segundo na lang sa orasan. Kaya naman kailangan ng Hotshots at Elite na makabangon upang manatili silang may tsansa sa asam na titulo. (ATD)





Comments