Pulis todas sa riding-in-tandem

TODAS ang isang dating pulis matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Purok 4, Bgy. Turbina, Calamba City, Laguna.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, alas-9:40 ng umaga, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktimang si Nuluddin Nuddin, nang biglang sumulpot sa harapan nito ang isang motorsiklo.
Bumaba ang angkas nito saka siya pinagbabaril sa katawan.
Tumakas ang mga salarin habang nadala pa ang biktima sa pagamutan subalit, idineklara itong dead-on-arrival.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente upang madakip ang mga salarin at mabatid ang motibo sa pagpatay.





Comments